Change background image
Marquel

Tech Support

Forum upgraded to a latest version with alot of features... thanks for your patient

Like this post? OldestAfter all

x30

Sat Mar 04, 2017 2:24 pm

#1
  • x30

x30



ADMINISTRATOR
Points : 229387
Age : 42
Gender : Male
Join date : 2011-10-23
Si Dave, ang Ex-Convict  Empty Si Dave, ang Ex-Convict

"Si Dave, ang Ex-Convict"

ORIGINAL PLOT:


Si Dave, ang Ex-Convict  Quote_icon Originally Posted by melala Si Dave, ang Ex-Convict  Viewpost-right
Si Dave, isang ex-convict. Bagong laya sa tila napakalawak na kulungan ng mga taong nangungutya sa mundong kinabilangan niya. Para sa mga taong tulad niya, hindi na mababago ng magandang kapalaran ang isang pagkakamali.


Part 1:

Araw na ng paglaya ni Dave sa piitan, hindi sya makapaniwalang nakalabas na sya sa isang silid na nakapagpabago sa kanyang buhay. Lagpas sampung taon din ang itinagal nya dito.

Si Dave ay kilala bilang mastermind sa halos lahat ng krimen na nangyayari sa Maynila. Mula sa pagpapasabog ng mall, sa pagnanakaw ng mga bangko, at sa pagbebenta ng laman ng mga bata hanggang sa pagpatay ng mga opisyal ng gobyerno. Masasabi mo sa itsura n’ya na s’ya ay masamang tao, maraming ang kanyang mga tattoo, halata ang mga galis sa kanyang mukha, at malalaman mo na siya si Dave dahil sa kanyang iisang tainga. Hindi ganoon kadali ang operasyon sa paghahanap kay Dave, magaling siyang magtago, wala rin siyang pakialam sa mga tauhan nyang namamatay para lamang siya ay hindi mahuli.

Dumating ang araw na nagsialisan na ang mga kanyang tauhan. Hindi raw sila nakakakuha ng sweldo mula sa kanilang pinuno at sa halip ay kinikimkim na lamang niya ito. Dahil sa kawalan ng tauhan, humina ang pwersa ni Dave laban sa mga pulis. Nakita ang kinaroroonan niya sa isang liblib na lugar kung saan makikita ang isang mansyon, mapapansin mo rin ang isang bodega na nilalangaw na, dito pala nila tinatago ang mga lamang loob ng mga batang kanilang hinuhuli kasama na rin ang mga armas na kanilang ginagamit sa pagpatay.

Hindi kaagad nakita ng mga pulis si Dave, sa sobrang laki ng mansyon, lagpas sa limang oras ang kanilang paghahanap. Nakakita ang mga pulis ng isang malaking pinto na gawa sa bakal sa kaila ilaliman ng mansyon ni Dave. Sinira nila ito at sa pagkabutas ng pintuan, nakita nila si Dave na may mga bombing nakabalot sa kanyang katawan, may hawak siyang dalawang armalite, pinagpuputukan nya ang mga pulis, naging madugo ang eksena ngunit hindi kaagad sumuko ang mga alagad ng batas. Dumami pa lalo sila at ito ang naging hudyat para pasabugin ni Dave ang sarili kasama ang mga pulis. Napigilan naman agad ito sa kadahilanang may isang pulis na pala sa likod ni Dave na naghihintay kung sakaling pasabugin niya ang mga bomba.

Maraming namatay, maraming nasugatan, si Dave naman, nawalan ng malay dahil sa malubhang tama ng bala sa kanya. Dinala siya sa ospital at ginamot. Isang linggo siyang nanatili dito. Ni isa ay walang dumalaw sa kanya, alam na pala ng kanyang pamilya sa probinsya ang nangyari, labis silang nalungkot at nagdesisyon na hayaan nalamang ito.

Puro benda ang katawan ni Dave habang siya ay kasama ng pulis. Naawa ang mga kinauukulan sa kanya, lalo na sa dinanas ng kanyang pamilya. Hinatulan na lamang siya ng sampung taon na pagkakakulong sa halip na bitay para sa kasalanang kanyang nagawa.

“Dave, makakalaya ka, na ang usapan natin ha, huwag kalimutan. May nakahanda na ring trabaho para sa iyo dahil sa kasipagan mo habang nasa kulungan, ito ang sketch kung saan ang kumpanya puntahan mo nalang ang tanggapan nito. Sa sunod ulit nating pagkikita Dave, ‘wag sana sa isa nanamang krimen.” sabi ng pulis.

“Ay maraming salamat po sir! Makakaasa po kayong hindi na ako muli gagawa ng masama. Syempre naman po, gagawin ko po ang lahat para maiangat ang aking sarili sa kahirapan ng walang kasamang kasamaan.” sagot ni Dave.

Nasa may pintuan si Dave, sobrang liwanag, damang dama n’ya ang pakiramdam ng bagong laya.
x30

Sat Mar 04, 2017 2:25 pm

#2
  • x30

x30



ADMINISTRATOR
Points : 229387
Age : 42
Gender : Male
Join date : 2011-10-23
Si Dave, ang Ex-Convict  Empty Re: Si Dave, ang Ex-Convict

Part 2:

“Sampung taon din ang nakalipas ah, ang bilis talaga ng panahon, sa wakas ay makakalaya na ako. Ano na kayang nangyari sa labas? Gusto ko makapag liwaliw sa siyudad, kumain ng masarap na pagkain, at gusto ko na ring makita ang aking pamilya sa probinsya.”

Pagkalabas ni Dave sa police station, nanibago s’ya sa kanyang kapaligiran.

“Wow! Ang daming pinagbago ng siyudad! Ito na pala ang Maynila ngayon, sobrang daming building dito, at ano ba ‘yan, masyadong mausok at maraming mga nagdaraang sasakyan. Siguro kailangan ko muna ng preskong hangin doon sa Luneta.”

Nagtinginan kay Dave ang mga tao sa paligid na siya namang ipinagtaka n’ya. Narinig-rinig n’ya ang mga bulong ng mga tao.

“’Di ba siya yung mastermind sa mga krimen dito sa atin? Nakalaya na pala siya.”

“Nakakatakot naman ang itsura ng taong ‘yan.”

“Si Dave yan ‘di ba? Tama kaya ang desisyon ng mga pulis na siya ay palayain? Baka magdulot nanaman siya ng kasaaman dito sa siyudad.”

Nalungkot si Dave sa kanyang mga narinig. Hindi alam ng mga taong ito na labis s’yang nagsisi sa kanyang mga kasalanan. Naupo si Dave sa kanyang paboritong tambayan sa Luneta. Mula pagkabata ay lagi siyang nandirito upang makipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Tumulo ang luha sa mga mata ni Dave, hindi n’ya akalaing maririnig n’ya sa ganitong lugar ang mga masasakit na salita galing sa mga tao.

“Ui Dave! Kamusta ka na? Long time no see ah.”

Agad pinunasan ni Dave ang kanyang mga luha at agad tumingala sa taong bumati sa kanya. Nagulat siya at ‘di n’ya akalaing makikita niya ang kanyang matalik na kaibigan. Napatungo si Dave at muling lumuha, hindi n’ya maipaliwanag ang ligayang kanyang nadarama.

“Ok ka lang ba Dave?”

“Ok lang ako pareng Steve, long time no see din sa’yo, tagal nating hindi nagkita ah simula nung umalis ka sa Pilipinas upang doon na manirahan noong mga bata pa tayo.”

“Pwes, andito na ulit ako, natutuwa nga ako sa’yo eh, makikita parin kita sa tambayan natin dito sa parke. So, ano na ang mga pangyayari sa buhay mo? Tsaka ang laki ng pinagbago ng itsura mo, mukha kang kriminal!”

“Naku pare, gusto mo bang i-kwento ko ang nangyari sa buhay ko?”
“Sure pare, go lang!”
x30

Sat Mar 04, 2017 2:26 pm

#3
  • x30

x30



ADMINISTRATOR
Points : 229387
Age : 42
Gender : Male
Join date : 2011-10-23
Si Dave, ang Ex-Convict  Empty Re: Si Dave, ang Ex-Convict

Last Part:

Ikinuwento ni Dave ang nangyari sa kanya noong mga panahon na naging mastermind s’ya sa mga malulubhang krimen sa siyudad. Nagulat ng husto si Steve sa kanyang narinig.

“Pare, anong nangyari sa’yo? Noong bata pa tayo, sobrang hinhin mo, sobrang tahimik mo, ako pa nga ang mas makulit sa iyo eh, pero bakit? Bakit ito ang napagdesisyunan mong gawin sa buhay mo. Ikaw pa nga ang palaging nagsisita sa akin sa tuwing gumagawa ako ng masama.”

“Ganoon talaga pare, hindi ko rin nakontrol ang sarili ko sa mga bisyo matapos mawala sa piling ko ang aking ina na sumama na sa iba, matapos iwan ako ng aking ama dahil sa isang malubhang sakit. Wala nang natira pa sa akin. Pero nagkaroon ako ng biglaang pamilya matapos ang pangyayaring ito.”

“Paanong biglaan?”

“Nasa isang bar ako, lasing na lasing, may isang babaeng tumulong sa akin. Inalagaan n’ya ako hanggang sa isang araw na nalaman kong buntis siya. Nagwala ako dahil sa nalaman ko, hindi ko kailanman ninais na magkaroon ng pamilya, gusto kong mapag-isa sa buhay.”

“’O tapos anong nangyari?”

“Nanganak siya, nagkaroon kami ng anak na babae, tuwang tuwa ako sa anak ko, masiyahin tulad ng kanyang ina. Lumipas ang panahon at nagkaroon ulit kami ng anak. Naging masaya ang aming pamilya, normal ang aming mga buhay, nalimutan ko ang aking mga bisyo hanggang sa may isang hindi inaasahang pangyayari, nabundol ng sasakyan ang aking panganay. Hindi ko alam ang aking gagawin, nakita ko siyang nakahandusay sa kalsada at wala man lang may balak na tumulong. Wala na siyang malay pagdating namin sa ospital. Dahil sa matinding kalungkutan ko, napa bisyo na naman ako, pinalayas ko ang aking mag-ina sa aming bahay, at gumawa ng mga krimen.”

“May kontak ka pa ba sa pamilya mo?”

“Wala na eh pare, dahil sa mga kabulastugan na ginawa ko, hindi na rin nila ako kaya pang patawarin. Ang saklap talaga pare.”

Humagulgol si Dave. Sobra ang kanyang pagsisisi. Hindi naman siya iniwan ng kanyang matalik na kaibigan na si Steve, niyakap niya ito at pinatahan.

“’Wag kang mag-alala pare, nandito ako at handing tumulong sa’yo.”

Habang pinapatahan ni Steve si Dave, may nakita siyang taong may hawak na baril, nakatutok ito sa kinaroroonan. Isang malakas na pagputok ang biglang narinig ng mga tao sa paligid.
Sponsored content

Sponsored content



Si Dave, ang Ex-Convict  Empty Re: Si Dave, ang Ex-Convict

Reply by Facebook