Tagalog po ang gagamitin natin para madaling magkaintindihan
Basic Blinking Eye Tutorial for Newbies by bryan_e09
Alam ko may nakita na kong Ibang tuts dito bout blinking eye. Pero etong ituturo ko siguro ung pinakamadali.
STEPS:
Step 1. Dapat syempre may Photoshop Kayo. Makikita nyo po yan sa PC Application section natin..
Step 2. Open File na gusto nyong pa Kindatin o papikitin.
Step 3. I-Duplicate ang image (CTRL + J)
Step 4. Gamit ang PEN TOOL I-select natin ang dalawang talukap ng mata ng subject natin.
Step 5. Matapos I-select- I-Right Click at Piliin ung "Make Selection"
Step 6. Press CTRL +J at magkakaroon ng Bagong Layer.
Step 7. I-urong ang bagong "Kilay layer" sa gitna nung mata at Burahin ung mga natirang parte ng mata gamit ang CLONE STAMP TOOL. Make Sure na nasa layer kayo nung na-duplicate na image mag-bura.
Q. Pano magbura Gamit ang CLONE STAMP TOOL NA PAREHO PA DIN ANG TONE NG SKIN.?
A. Hold ALT para maselect ung area na pagkukuhanan ng kulay, bitawan pag nakapili na. Ngayon, Unti unti nyong pahiran ng Kulay ung sobrang parte ng mata. Busisiin nyo para malinis tignan
Step 8. Click mo ung image na kilay, at HOLD CTRL at i-click din ung Duplicated layer. Ngayon, i-right click mo at i-merge.
Step 9. Sa Animation frame, (WINDOW > ANIMATION) i-VISIBLE sa first frame ang unang layer(NAKADILAT) with 2 secs duration. sa 2nd frame naman ay naka-VISIBLE ang NAKAPIKIT na image layer at naka-set ang duration sa 0.1 sec para masimulate ung pag-pikit gaya ng tao.
-----------------------------------------------------------------------
Finish Product.
NOTE: Naka depende pa din sa inyo ung mga sinabi ko sa tut na speeds at duration nung frames.
eto may konting arte lang sa pagpikit,
Eto naman may hinahangin na buhok lang.