"Si Dave, ang Ex-Convict"
ORIGINAL PLOT:
Originally Posted by melala
Si Dave, isang ex-convict. Bagong laya sa tila napakalawak na kulungan ng mga taong nangungutya sa mundong kinabilangan niya. Para sa mga taong tulad niya, hindi na mababago ng magandang kapalaran ang isang pagkakamali.
Part 1:
Araw na ng paglaya ni Dave sa piitan, hindi sya makapaniwalang nakalabas na sya sa isang silid na nakapagpabago sa kanyang buhay. Lagpas sampung taon din ang itinagal nya dito.
Si Dave ay kilala bilang mastermind sa halos lahat ng krimen na nangyayari sa Maynila. Mula sa pagpapasabog ng mall, sa pagnanakaw ng mga bangko, at sa pagbebenta ng laman ng mga bata hanggang sa pagpatay ng mga opisyal ng gobyerno. Masasabi mo sa itsura n’ya na s’ya ay masamang tao, maraming ang kanyang mga tattoo, halata ang mga galis sa kanyang mukha, at malalaman mo na siya si Dave dahil sa kanyang iisang tainga. Hindi ganoon kadali ang operasyon sa paghahanap kay Dave, magaling siyang magtago, wala rin siyang pakialam sa mga tauhan nyang namamatay para lamang siya ay hindi mahuli.
Dumating ang araw na nagsialisan na ang mga kanyang tauhan. Hindi raw sila nakakakuha ng sweldo mula sa kanilang pinuno at sa halip ay kinikimkim na lamang niya ito. Dahil sa kawalan ng tauhan, humina ang pwersa ni Dave laban sa mga pulis. Nakita ang kinaroroonan niya sa isang liblib na lugar kung saan makikita ang isang mansyon, mapapansin mo rin ang isang bodega na nilalangaw na, dito pala nila tinatago ang mga lamang loob ng mga batang kanilang hinuhuli kasama na rin ang mga armas na kanilang ginagamit sa pagpatay.
Hindi kaagad nakita ng mga pulis si Dave, sa sobrang laki ng mansyon, lagpas sa limang oras ang kanilang paghahanap. Nakakita ang mga pulis ng isang malaking pinto na gawa sa bakal sa kaila ilaliman ng mansyon ni Dave. Sinira nila ito at sa pagkabutas ng pintuan, nakita nila si Dave na may mga bombing nakabalot sa kanyang katawan, may hawak siyang dalawang armalite, pinagpuputukan nya ang mga pulis, naging madugo ang eksena ngunit hindi kaagad sumuko ang mga alagad ng batas. Dumami pa lalo sila at ito ang naging hudyat para pasabugin ni Dave ang sarili kasama ang mga pulis. Napigilan naman agad ito sa kadahilanang may isang pulis na pala sa likod ni Dave na naghihintay kung sakaling pasabugin niya ang mga bomba.
Maraming namatay, maraming nasugatan, si Dave naman, nawalan ng malay dahil sa malubhang tama ng bala sa kanya. Dinala siya sa ospital at ginamot. Isang linggo siyang nanatili dito. Ni isa ay walang dumalaw sa kanya, alam na pala ng kanyang pamilya sa probinsya ang nangyari, labis silang nalungkot at nagdesisyon na hayaan nalamang ito.
Puro benda ang katawan ni Dave habang siya ay kasama ng pulis. Naawa ang mga kinauukulan sa kanya, lalo na sa dinanas ng kanyang pamilya. Hinatulan na lamang siya ng sampung taon na pagkakakulong sa halip na bitay para sa kasalanang kanyang nagawa.
“Dave, makakalaya ka, na ang usapan natin ha, huwag kalimutan. May nakahanda na ring trabaho para sa iyo dahil sa kasipagan mo habang nasa kulungan, ito ang sketch kung saan ang kumpanya puntahan mo nalang ang tanggapan nito. Sa sunod ulit nating pagkikita Dave, ‘wag sana sa isa nanamang krimen.” sabi ng pulis.
“Ay maraming salamat po sir! Makakaasa po kayong hindi na ako muli gagawa ng masama. Syempre naman po, gagawin ko po ang lahat para maiangat ang aking sarili sa kahirapan ng walang kasamang kasamaan.” sagot ni Dave.
Nasa may pintuan si Dave, sobrang liwanag, damang dama n’ya ang pakiramdam ng bagong laya.